Tiniyak ni PABA at WBA Pan African super lightweight champion Czar Amonsot ng Pilipinas na makaaakyat siya sa world ranking nang patulugin si Indonesia light welterweight titlist Geisler AP nitong weekend sa The Melbourne Pavilion, Flemington, Victoria, Australia.

Kasalukuyang No. 11 contender kay WBA super lightweight champion Adrien Bonner ng United States, ito ang ika-13 panalo ni Amonsot, tampok ang ikasiyam na knockout, mula nang magkampanya sa Down Under.

Huling natalo si Amonsot noong 2007 kay dating world champion Michael Katsidis ng Australia sa kanilang laban para sa interim WBO lightweight title sa Las Vegas, Nevada.

Bago nakuha ang dalawang regional title ng WBA, natamo rin ni Amonsot ang WBO Asia Pacific at WBO Oriental lightweight crown at Australian light welterweight diadem.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Napaganda ni Amonsot ang karta sa 31-3-3. (Gilbert Espeña)