Isasagawa ang 2016 National Age Group Chess Championship Grand Finals sa Abril 1-8 sa bagong gawang Centennial Arena sa Laoag City sa Ilocos Norte.

Inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines at punong abala ang Provincial Government of Ilocos Norte, ang isang linggong torneo ay tatampukan ng magwawaging woodpushers sa kani-kanilang age group category na mula sa buong bansa.

Isasagawa ang opening ceremony na agad susundan ng unang round sa Abril 2 habang ang awarding ceremony ay gaganapin sa Abril 7.

Ang lahat ng magkukuwalipikang manlalaro ay ititira sa Ilocos Norte National High School (INNHS) Vocational Compound na halos katabi lamang ng venue competition.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan sa NCFP Secretariat sa 09952348200.

Samantala, tinalo ni Far Eastern University (FERN) bet Vince Angelo Medina ang nakatapat na si Romy Fagon para sa liderato ng boys (Open) under-20 category sa ginaganap na Luzon age-group qualifier sa Philippine Sports Commission Dining Area sa Vito Cruz, Manila.

Ang national Master na si John Merill Jacutina, mula diin sa FEU, ay nasa ikalawang puwesto katabla sina Jonathan Jota at Daniel Quizon.

Nangunguna sa girls’ Under-20 si Venice Vicente sa itinala na 2.4 puntos matapos ang tatlong round kasunod sina Viergenie Ruaya at Jemima Valdez na may 2.0 puntos at si Rachelle Joy Pascua na may 1.5.

Ang tatlong mangunguna sa bawat category sa Luzon leg ay makakasama ang top qualifiers mula naman sa Visayas at Mindanao sa grand finals. (Angie Oredo)