Aabot sa 563 ang nagtapos ngayong buwan sa iba’t ibang vocational at technical course na iniaalok ng Las Piñas City Manpower and Training Center.

Ayon kay Las Piñas Mayor Vergel “Nene” Aguilar, kumpiyansa ang nagsipagtapos na makatutulong sa kanila para makahanap ng magandang trabaho o makapagsimula ng sariling negosyo ang mga natutuhan nila sa mga tinapos nilang kurso.

Hinihikayat ni Aguilar ang mga walang trabaho o sinumang interesado na sumailalim sa libreng pagsasanay upang mapalawak ang kaalaman at kakayahan na magagamit sa paghahanap ng trabaho.

Ilan sa mga kurso na iniaalok ng Las Piñas Manpower Training Center ang automotive servicing, commercial cooking, consumer electronics, food and beverages services, hairdressing, massage therapy, personal computer operations, refrigeration and aircon servicing, shielded metal arc welding, industrial electricity, cell phone repair, housekeeping and travel services. (Ellaine Dorothy S. Cal)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists