Inako kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang responsibilidad sa 19 na oras na blackout sa Zamboanga City nitong Linggo, na labis na ikinadismaya at ikinaperhuwisyo ng libu-libong consumer.

Paliwanag ni Engr. Hermie Hamoy, chief substation engineer ng District 1 Operations and Maintenance ng NGCP, ang malawakang blackout sa kanluran ng siyudad, kabilang ang commercial district, mula 6:00 ng umaga ng Linggo hanggang 1:27 ng umaga nitong Lunes, ay bunsod ng bigong testing sa 100mva transformer sa Pitogo Substation sa Sinunuc.

Aniya, ang brownout ay orihinal na itinakda ng 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, ngunit pumalpak ang mga secondary bushing ng transformer dakong 3:30 ng hapon.

Dahil dito, pinlano ng NGCP na paganahin ang 50kva transformer sa Sangali Substation at hatiin ang load nito sa Pitogo Substation, pero kinailangang matiyak na ligtas ang proseso kaya inabot ng 19 na oras bago naibalik ang supply ng kuryente sa malaking bahagi ng siyudad.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

Labis ang pagkadismaya ng mga residente sa Zamboanga City Electric Cooperative (Zamcelco) dahil sa hindi pagsagot ng huli sa kanilang mga tawag sa kasagsagan ng 19-oras na blackout. (Nonoy E. Lacson)