INIHAYAG ni Prince, isa sa pinakamaimpluwensiya ngunit mailap na music artist, na sa unang pagkakataon ay maglalabas siya ng memoir at — dahil hindi na bago sa kanya ang manggulat — sinabi ng kanyang publisher na ito ay magiging “unconventional”.

Ilalathala ng 57-anyos na “Kid from Minneapolis” ang kanyang unang libro, na hindi pa ibinubunyag ang titulo, sa huling bahagi ng 2017, ayon sa publisher na Spiegel and Grau.

Ayon sa Random House imprint, ang libro ni Prince’s ay “unconventional and poetic journey” sa buhay at musika ng Purple One.

“Prince is a towering figure in global culture and his music has been the soundtrack for untold numbers of people — including me — for more than a generation; his creative genius has provided the musical landscape of our lives,” saad sa pahayag ni Christopher Jackson, executive editor ng libro.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Millions of words have been written about Prince—books and articles, essays and criticism—but we’re thrilled to be publishing Prince’s powerful reflections on his own life in his own incandescently vivid, witty and poetic voice,” aniya.

Si Jackson ang nag-edit ng Between the World and Me ni Ta-Nehisi Coates, isang personal reflection sa kasaysayan ng racism sa United States na nagwagi ng National Book Award.

Dekada ’80 naging international sensation si Prince nang pasikatin niya ang Minneapolis Sound ng nakaiindak na funk, sa pamamagitan ng Purple Rain noong 1984 na madalas ilarawan bilang isa sa pinakamahuhusay na album sa kasaysayan.

Ang Purple Rain ay sinabayan ng pagpapalabas ng isang semi-autobiographical film ngunit naging tanyag si Prince sa pagiging pribado tungkol sa kanyang personal na buhay.

Isinilang na Prince Nelson, nakatira pa rin si Prince sa Minneapolis, at doon ay nagdaraos ng mga party at may iniingatang mga master vault sa kanyang studio sa Paisley Park. (AFP)