Napili si San Miguel Beer Fil-Am guard Chris Ross bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa buong linggo ng Marso 15-20.

Tumapos ang 6-foot playmaker na may all-around number na 14 puntos, 12 assist at anim na rebound upang pamunuan ang Beermen sa paggapi sa Alaska Aces, 116-96, sa rematch ng Finals ng nakaraang Philippine Cup.

Naglaro ang Beermen na wala si reigning 2-time league MVP June Mar Fajardo, nagpapagaling ng kanang injury sa tuhod, ngunit hindi ito ininda ng Beermen bunsod ng matinding laro ni Ross.

Bagama’t nag-ambag sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at import Tyler Wilkerson a si Ross ang nagsilbing mitsa ng koponan.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

“I put in so much hard work everyday, after practice with Marcio,” ani Ross na siya ring Finals MVP ng nakaraang all-Filipino conference championship series.

“Coach has a lot of trust in me because he’s leaving me out there for a lot of minutes.”

Dahil sa taglay na talento ng Beermen, ayon kay Ross ay magaan na ang kanyang trabaho bilang point guard.

“I feel like I have the easiest job in the PBA because I have so many weapons and we were clicking on all cylinders (against Alaska),”ayon pa kay Ross.

Tinalo ng 31-anyos na si Ross ang teammate na si Alex Cabagnot, Barangay Ginebra center Greg Slaughter at guard LA Tenorio, Star forward Allein Maliksi, Meralo rookie Baser Amer at Rain or Shine shooter Jeff Chan para sa lingguhang citation. (Marivic Awitan)