Angelo Que copy

NEW DELHI – Tumipa si Angelo Que ng bogey-free 65 sa final round, ngunit kinapos pa rin ng tatlong stroke sa kampeonato ng Hero Indian Open nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Delhi Golf Club dito.

Tumapos ang lokl bet na si SSP Chawrasia ng 71, sapat para sa dalawang puntos na bentahe para makopo ang titulo.

Nakapagtala ang Indian star ng kabuuang 15-under 273 para malamangan sina Korean Jeunghun Wang (68) at Anirban Lahiri ng India (69).

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Naitala ni Que, naghahangad ng ranking point para sa Rio Olympics, ang limang birdies sa back nine, kabilang ang mahirap na hole No. 16 at 17 para sa kabuuang 276 total, sapat para sa sosyong ikaapat na puwesto kay Adilson Da Silva ng Brazil (69).

“I wanted to birdie the last to have a really good chance to get into a play-off. I’ve been in this situation before. I had a two-shot lead in the clubhouse but I ended up losing in a play-off,” pahayag ni Que.

Sa kabila nito, sinabi ni Que, three-time winner sa Asian Tour, na malaki ang nabago sa kanyang laro sa unang tatlong round kung saan umiskor siya ng 70-71-70.

“When you shoot bogey free and a 65 on this course, well that’s something. I didn’t have any trouble today. I hit it really well. My irons were spot on and my putting helped. I’m very happy because I came in on the Thursday morning,” pahayag ni Que sa panayam ng asiantour.com.

“I had something to do back home. I had to go home in a hurry last week and I came here on Thursday morning. I did it before and I almost won the event. I think that’s a good strategy for me. I might keep doing that now and hopefully it keeps working.”

“We’ve been playing here for years. It is a course where you need to know what to do. I hit it better than before so that’s why I played well,” aniya.

Umusad din si Que sa ika-52 puwesto sa International Golf Federation qualifying list. Ang top 60 sa IGF ay makakalahok sa 2016 Rio de Janeiro Games.

“My main goal is to get into the Olympics. With me playing well this week, it will move me up on the world rankings which is nice,” aniya.

Tumapos naman sina Tony Lascuna ng 71 (284) para sa ika-34 puwesto, habang kumana si Miguel Tabuena ng 74 (289) para sa ika-58.