HAVANA (Reuters) – Isinulong ni U.S. President Barack Obama sa Cuba na pagbutihin ang human rights sa kanyang makasaysayang pagbisita sa komunistang bansa nitong Lunes, at nakasagutan sa publiko si President Raul Castro na nagalit sa “double standards” ng United States.

Pinuri ni Obama si Castro sa bukas na pagtatalakay sa kanilang mga hindi pagkakaunawaan ngunit sinabi niya na mangyayari lamang ang “full flowering” ng ugnayan sa pagbuti ng usapin sa mga karapatan.

“In the absence of that, I think it will continue to be a very powerful irritant,” sinabi ni Obama sa joint news conference nila ni Castro na nagsimula sa biruan at paminsan-minsan ay naging tensiyonado.

Sumagot naman si Castro na walang bansa na natutupad ang lahat ng international rights. “How many countries comply with all 61 human rights? Do you know? I do. None. None,” diin ni Castro.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'