HAVANA (Reuters) – Sinalubong ng mga hiyawang “Viva Obama, Viva Fidel,” si President Barack Obama sa kanyang makasaysayang pagbisita sa Cuba nitong Linggo, isang bagong kabanata sa relasyon ng dating magkalaban noong Cold War.

Si Obama ang naging unang nakaupong American president na bumisita sa Cuba simula nang huling dumating sa isla si President Calvin Coolidge sakay ng barkong pandigma noong 1928.

Ang tatlong araw na pagbisita ni Obama ay ang sukdulan ng diplomatic opening na inihayag nila ni Cuban President Raul Castro noong Disyembre 2014. Kasama ni Obama si first lady Michelle Obama, ang ina nito, at ang kanilang mga anak na sina Sasha at Malia.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente