Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na gawing tunay na makabuluhan ang paggunita sa Mahal na Araw at iwasan ang konsyumerismo at pagiging materyalistiko.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, chairman ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, hindi dapat na gugulin ng mananampalataya ang panahon ng bakasyon sa mga beach resort, shopping mall, at iba pang pasyalan ngayong Holy Week.

Hinimok ng arsobispo ang mamamayan na gamitin ang bakasyon sa pagninilay, pananalangin at pagkakawanggawa kasama ang buong pamilya, para mapatatag ang kanilang relasyon sa Diyos.

“Itong Holy Week ay intense moments of relationship with God. Sana ay ganun sila. It’s okay na, halimbawa, mag-uwian tayo sa ating tahanan, bonding with the families at sa ating mga friends na naiwan sa bahay, that’s very good. Pero kung kayo ay mag-swimming, magba-bathing, makikihalo para lang nagpupunta kayo sa mall to enjoy the secular pleasure, that is against the spirit from which we have,” sinabi ni Arguelles sa panayam ng Radio Veritas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagpaalala rin ang arsobispo na hindi dapat mapalitan ng mga materyal na kasiyahan ang dapat sana ay panahon ng kabanalan at pagbabalik-loob sa Diyos.

“Dapat dito we have to establish our strong relationship, strengthen relationship with God, our relationship with other people specially those entrusted to us by God. Sa ating sarili magkumpisal tayo na magkaroon tayo ng peace of mind at moment of rest,” ani Arguelles. (Mary Ann Santiago)