INDIAN WELLS, Calif. (AP) — Nailista nina Novak Djokovic at Victoria Azarenka ang magaan na panalo para sa kampeonato ng BNP Paribas Open nitong Linggo (Lunes sa Manila) kung saan naiuwi ng top-ranked Serb ang ikalimang titulo, habang pangalawa para kay Azarenka na muling nakapasok sa world top 10 ranking.

Ginapi ni Djokovic si Milos Raonic 6-2, 6-0 para mahila ang match record sa 22-1 ngayong taon.

Ito ang ikatlong sunod na tagumpay ng Serb sa California desert, para makaalpas sa record na dati nilang pinagsaluhan ni four-time champion Roger Federer.

“I’m just glad to be able to raise the level of my game as the tournament progresses, and that’s something that I have been doing in the last two years particularly on the big events,” pahayag ni Djokovic.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nadomina naman ni Azarenka ang wala sa pormang si top seed Serena Williams, 6-4, 6-4.

Ang panalo ni Azarenka at pagbabalik laro ni Williams dito matapos boykotin ang torneo noong 2001 ay sapat na para mabasura ang kontrobersyal na pahayag ni tounament director Raymond Moore.

Umani ng pagbatikos ang pahayag ni Moore na ang WTA Tour “ride on the coattails of the men” , habang inilarawan niya ang kababaihan bilang “physically attractive and competitively unattractive.”

Kapwa naibulsa nina Djokovic at Azarenka ang tig-$1.02 milyon premyo.