DAGUPAN CITY – Nasa 23 munisipalidad sa Pangasinan ang posibleng mawalan ng kuryente ngayong Martes para bigyang-daan ang taunang preventive maintenance at testing ng power transformer sa lalawigan.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula ng 8:00 ng umaga at tatagal ng 6:00 ng gabi ang power interruption ngayong Martes, at apektado ang mga sineserbisyuhan ng Cenpelco at Panelco III.
Kabilang sa posibleng maapektuhan ng 10-oras na brownout ang mga bayan ng Alcala, Bautista, Bayambang, Asingan, Mapandan, Mangaldan, Rosales, Villasis, Sto. Tomas, Sta. Maria, Balungao, Tayug, Natividad, San Nicolas, San Quintin, Umingan, Urdaneta City, San Manuel, Binalonan, Pozzorubio, Laoac, at ilang bahagi ng Sison at Basista. (Liezle Basa Iñigo)