Big-time millionaire na sana ang isang biyuda at kasama nitong tricycle driver kung nakalusot sa bangko ang P1-milyon halaga ng tseke ng Social Security System (SSS) na tinangka nilang ipa-encash sa sangay ng Philippine National Bank (PNB) sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Sa police station na idiniretso sina Anna Marie Cayabyab, 42, ng Mauricio Dulo, Barangay Bagbaguin; at Roger Barreto, 39, ng No. 1591 Sebastian Street, Bgy. Bagbaguin.

Ayon kina PO3 Ronald Subosa at PO2 Regor Germedia, dakong 9:00 ng umaga nang magtungo ang dalawa sa PNB sa Mac Arthur Highway sa Bgy. Karuhatan, upang ipalit ng cash ang hawak nilang tseke mula sa SSS.

Napansin ng teller na si Cecilia Latumbo na parang iba ang dalang tseke nina Cayabyab at Barreto mula sa orihinal na tseke ng ahensiya.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Nag-alangan ‘yung teller (Latumbo) kaya tumawag sa SSS Caloocan City Branch at doon nga nakumpirma na fake ‘yung tseke,”ani Germedia.

Dito sumimple ang teller nang lapitan ang security guard upang arestuhin ang dalawang suspek para dalhin sa himpilan ng pulisya.

Tikom naman ang mga bibig ng mga suspek kung saan nila nakuha ang nasabing tseke. (Orly L. Barcala)