Ni NORA CALDERON
“PUWEDE po ba isama ninyo sa dasal n’yo na bigyan na ako ni Lord ng partner?” seryosong sabi ni Sheena Halili sa nag-iinterbyung reporters after ng presscon ng Poor Señorita.
“I’m already 29 na po pero wala pa rin akong boyfriend. After ni Rocco (Nacino), nagkaroon lang ako ng ka-date for almost two years, non-showbiz siya, at naiintindihan naman niya ang work ko, pero hindi naging kami kasi magkaiba ang aming priorities.”
Nang biruin ng mga kausap na siya na lang ang walang anak o boyfriend sa batch one ngStarstruck, ang ganting biro ng dalaga, kaya nga raw madalas na binyag na ang mga pinupuntahan niya.
“Napi-pressure na rin ako kung minsan dahil lagi akong ninang sa binyag. Iyon na ang level ko, mag-attend ng binyagan, hindi na ng kasalan. Parang tapos na ako roon, binyag na, at first birthday ng inaanak ko. Biro ko nga sa kanila, wala na akong makukuhang ninang kasi nakuha na sila. Pero ayaw ko rin namang magpadalus-dalos, kahit binibiro rin ako ng mommy ko na dati, ayaw nila akong paligawan pero ngayon hindi na ako for sale lang kundi sale na sale na.”
Happy si Sheena sa GMA dahil hindi siya nawawalan ng project, since ayaw din naman niyang iwan ang network na naka-discover sa kanya sa Starstruck.
“Ito nga pong Poor Señorita, hindi pa ako tapos mag-taping ng Destiny Rose, nagti-taping na ako kay Direk Dom Zapata. I’m glad na muli kaming nagkasama ni Ate Regs (Regine Velasquez-Alcasid). Una kaming nagkasama bilang mag-best friend sa Ako Si Kim Sam Soon pero ngayon nai-starstruck pa rin ako sa kanya, hindi siya nagbabago and I don’t mind na best friend na naman kami rito.
“Sa story kasi, kahit suplada siyang boss, may puso naman siya, pinag-aral niya ako kaya naman nang makatapos ako, nag-stay ako sa tabi niya, kahit nang naghirap na rin siya, hindi ko pa rin siya iniwan.”
Naging biruan na rin na si Sheena ang Pambansang Best Friend dahil sa roles na madalas ibigay sa kanya sa mga ginagawa niyang soap sa GMA, pero wala siyang reklamo.
Nagiging libangan ni Sheena ngayon ang pag-akyat sa mga bundok, pero hindi raw siya nag-o-overnight, bumababa rin sila ng friends niya para hindi sila gabihin sa bundok. Nakaakyat na siya ng Mt. Pulag at kababalik naman niya from Batanes.
“Pero ngayong may bago akong project, stop ko muna ang studies ko ng interior design, mahirap kasi talagang pagsabayin ang work at studies. This Holy Week, uuwi po ako ng Pampanga para kasama ko ang family ko. Ayaw kong mag-isa sa condo unit ko, gusto kong ituloy ang family tradition namin na kasama ko sila. Tamang-tama po naman na after Holy Week, sa March 28, airing na ang pilot episode namin, after ng 24 Oras.”