BACOLOD CITY – Sentro ng atensiyon ang progresibong lungsod sa inaasahang pagdagsa ng mga local at foreign boxing official, gayundin ng mga turistang makikibahagi sa gaganaping 54th Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF) Convention, sa Marso 30 hanggang Abril 1, sa L’ Fisher Hotel.

Handa na ang seguridad at ang hindi matatawarang ‘hospitality’, kilala bilang ‘City of Smile’, sa mga delegado at bisita sa unang araw ng programa na nakasentro sa pagkuha ng accreditation ID at lisensya para sa mga bagong miyembro ng OPBF.

Pangungunahan nina Juan Ramon Guanzon, chairman ng Games and Amusements Board (GAB), OPBF officials at World Boxing Council prexy Mauricio Sulaiman ang welcome ceremony sa mga delegado. 

Kabilang sa mga tatalakayin sa unang araw ng pagpupulong ang pagrerebisa sa rules and regulation ng organisasyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mas palalakasin ng OPBF ang officiating sa nakalinyang referees and judges conference and seminars.

Kabilang sa mga isyung pag-uusapan ang (a) judging principles in boxing with scientific basis, (b) refereeing principles with emphasis on safety, (c) OPBF rules on ring officials, (d) application and implementation of interim championship. 

Kabilang sa inimbitahang resource speaker sina Bruce McTavish at Hubert Minn. 

Ilalahad naman ni Guanzon ang mga bagong rules and regulation sa OPBF.

Sa huling araw ng seminar, magsasagawa ng medical seminar, gayundin ang drug-testing sa pangangasiwa ng Voluntary Anti-Doping Association (VADA).

Tatampukan nina Dr. Paul Wallace, Dr. Radentor Viernes at Dr. Jose Rolando Rivera ang tatlong araw na programa.