Nagsanib-puwersa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) sa pagsasagawa ng random inspection sa mga taxi unit na bumibiyahe sa Metro Manila, upang matukoy kung ipinatutupad na ng mga ito ang P30 fare rollback.

“Pinaalalahanan ng joint team members ang mga taxi driver at pasahero na bawasan ng P10 ang kanilang kabuuang taxi fare,” ani LTFRB Public Assistance and Complaints Desk Head Arnel del Rio.

Samantala, ang bagong flag down rate sa mga airport taxi ay P60, ayon sa LTFRB.

Aniya, puntirya ng random inspection na matiyak na tumutugon ang mga taxi operator at driver sa bagong fare rate, bagamat hihintayin pa ng mga ito na ma-calibrate ng LTFRB ang kani-kanilang unit.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga lalabag sa bagong patakaran ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang paglabag, P10,000 na may posibilidad na mahatak ang unit sa ikalawa, at P15,000 sa ikatlong paglabag at posibleng kanselasyon ng prangkisa.

(Czarina Nicole O. Ong)