Nagdiwang ang crowd nang itaas ang kamay ni Aung La N Sang bilang pormal na deklarasyon sa kanyang pagkapanalo kay Ali sa ONE FC: Union of Warriors.                                                    ONE FC

YANGON, Myanmar -- Tanging si featherweight Edward “The Ferocious” Kelly ng Team Lakay ang nakalusot sa tatlong Pinoy na sumabak sa ONE Championship: Union of Warriors na tinampukan ng pagwawagi ng local hero na si Aung La N Sang via guillotine choke kontra Mohamed Ali ng Qatar sa first round.

Naitala ng 26-anyos na si Kelly ang impresibong submission win laban kay Jordan “Showtime” Lucas ng Australia.

“We did it guys! We did it,” sambit ni Aung La. “Bigdash, you have my belt! We want that belt!”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nabigo ang beteranong si Eugene Toquero kontra kay dating flyweight champion Adriano “Mikinho” Moraes ng Brazil matapos siyang mailagay sa D’Arce Choke sa ikatlong round.

Hindi rin nakalusot si Robin ‘The Ilonggo’ Catalan kay Alex “Little Rock” Silva ng Brazil sa kanilang light weight fight.