Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa pagbagsak ng eroplano sa Russia na ikinasawi ng 62 katao, kabilang na ang pitong crew, nitong Sabado.

Ayon sa ulat, 55 pasahero at pitong crew ang nasawi makaraang bumagsak at sumabog ang eroplano na nagtangkang lumapag, sa ikalawang pagkakataon, sa airport dakong 12:40 ng umaga.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng pagbagsak ng eroplano, at ilan sa mga tinitingnang anggulo ay crew error, technical failure, at ang masungit na panahon. - Bella Gamotea

Teleserye

MMK posibleng magbalik sa telebisyon, mapapanood sa TV5?