SAO PAULO (AP) — Nasawi ang pitong katao, kabilang ang dating chief executive officer ng pinakamalaking mining company sa Brazil, ang Vale, at ang kanyang pamilya, matapos bumulusok ang isang maliit na eroplano sa hilagang bahagi ng Sao Paulo.

Ayon sa website ng O Globo news network, ang piloto at anim na pasahero, kabilang si Ex-Vale CEO Roger Agnelli, ang kanyang misis at dalawang anak, ay lulan sa eroplano nang bumulusok ito nitong Sabado.

Walang nakaligtas sa aksidente.

Internasyonal

Pope Francis, nanawagan sa mga magulang, guro na labanan ‘bullying’