Ni ADOR SALUTA
ISANG gabing puno ng saya at pasabog na performances ang inihandog ng ABS-CBN stars at love teams bilang pasasalamat sa suporta ng advertisers sa nakaraang Ad Summit Pilipinas 2016.
Bukod dito, panalo rin ang Kapamilyang advertisers sa mga sorpresa at malalaking papremyo ng ABS-CBN.
Isa sa pinaka-hit na segment ng gabi ang “Tawag ng Tanghalan,” hosted nina Vice Ganda, Anne Curtis, at Mariel Rodriguez-Padilla, nilahukan ito ng tatlong delegates na nagpamalas ng galing sa pagkanta. Itinanghal na kampeon si Norman Agatep ng 4A’s na nagkamit ng premyong P50,000.
Nagkagulo rin ang mga manonood nang lumabas ang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin kasama ang kanyang mga sidekick na sina Xymon ‘Onyok’ Pineda at Pepe Herrera.
Bukod sa good vibes, namayani rin ang pag-ibig at kilig sa Ad Summit sa pagtatanghal ng ng KathNiel, LizQuen, KimXi, at DanRich.
Tuluy-tuloy ang kilig sa panghaharana ninaPiolo Pascual, Sam Milby, Matteo Guidcelli, at Xian Lim. Hindi rin nagpahtalo sa pagpapakilig sina Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, Daniel Matsunaga, Ejay Falcon, Tommy Esguerra, at Joseph Marco.
Ipinakilala rin ng ABS-CBN ang US TV hit series na Jane The Virgin at ang koreanovelang My Love Donna bilang mga bagong palabas na dapat abangan sa Kapamilya Network. Ipinahayag naman ang nalalapit na pagbabalik ng The Voice Kids at ng Star Circle Kid Quest.
Ilang masusuwerteng delegates ang nag-uwi ng papremyo, tulad ng Platinum Karaoke Set, Jason Derulo concert tickets, Monster Jam tickets, 20 boxes ng ABS-CBN TVplus, at dalawang P100,000.
Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng world-class performances ang semi-finalists ng Pilipinas Got Talent Season 5 kasama angThe Voice Philippines alumni na sina Lyca Gairanod, Elha Nympha, Morissette, Darren Espanto.
Nagpakitang-gilas din ang unang Dance Kids grand champion na Lucky Acesat ang Tourist Stars ng I Love OPM.