Inaresto ng pulisya ang dalawang lolo dahil sa pag-iingat umano ng mga hindi lisensiyadong baril at granada sa tatlong bahay na kanilang pag-aari sa Sitio Lontoc, Barangay Timalan Balsahan sa Naic, Cavite.

Sinabi ni Chief Insp. Gil Tisado Torralba, hepe ng Naic Police, na ito ang pinakamalaking bulto ng ilegal na armas na kanilang nakumpiska mula sa mga pribadong indibiduwal ngayong taon.

Kinilala ni Torralba ang mga suspek na sina Segundo Poblete Hinahon, 64; at Lucio Andoval Calingasan, 63, kapwa residente ng Sitio Lontoc.

Isinagawa ang police operation dakong 5:30 ng umaga nitong Sabado sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Agripino G. Morga, ng San Pablo City (Laguna) Regional Trial Court Branch 29-32.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nakatakas naman ang ikatlong kakutsaba ng mga suspek na si Antonio Anglo Vidol, na nakuhanan ng isang .38 caliber revolver na may apat na bala nang halughugin ng pulisya ang kanyang bahay.

Nakuha naman sa bahay ni Hinahon ang isang granada, isang .45 caliber Armscor, isang Norinco caliber .45 pistol, isang caliber 5.56 na paltik, tatlong .38 caliber revolver, isang .22 caliber revolver, isang .22 caliber rifle, isang air gun, at sari-saring bala.

Sinabi ng pulisya na nag-apply sila ng search warrant sa korte matapos magbigay ng impormasyon ang mga kapitbahay ng mga suspek na nag-iimbak ng armas ang mga ito. - Anthony Giron