Pinatatag ni Marella Salamat ang kanyang estado bilang pangunahing female rider ng bansa nang angkinin niya ang bronze medal sa 80km race sa World University Cycling Championship nitong Biyernes sa Tagaytay City.

Naitala naman ni German Romy Kasper ang ikalawang gintong medalya sa karera na inorganisa ng Federation of School and Colleges in the Philippines (FESAP) at UBE Media.

Hataw ang 19-anyos na si Salamat, gold medal winner ng women’s individual time trial (ITT) sa nakaraang Singapore Southeast Asian Games (SEAG), sa kabuuan ng karera at naungusan lamang nang bahagya sa silver medal finish ni Nikol Plofaj ng Poland.

Hindi bumitaw si Kasper sa pamumuno mula umpisa sa Nasugbu hanggang sa finish line sa harap ng Tagaytay International Convention Center at naorasan siya sa tyempong 2:42:48.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nahuli naman ng apat na minuto at 12 segundo si Plopaj kay Kasper na winalis ang women’s road event ng karera na pinangasiwaan ng Le Tour de Filipinas organizer sa Canyon Woods noong Huwebes.

“Pinilit kong kunin ang silver pero naipit ako ng magrematehan,” ani Salamat.

May 26 na siklista mula sa 12 bansa ang lumahok sa karera ngunit kalahati lamang ang tumapos. (MARIVIC AWITAN)