Lalagdaan ng Pilipinas sa New York sa susunod na buwan ang climate change agreement na pinagtibay ng international community sa Paris noong Disyembre.

“President Benigno S. Aquino III already gave the go-signal for such signing,” inihayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje nitong Huwebes nang selyuhan ng ahensiya at ng development arm ng Germany na Deutsche Gesellschaft für Internationale Zusammenarbeit (GIZ) sa Metro Manila ang P200- million agreement sa forest and biodiversity protection and conservation sa Panay Mountain Range (PMR).

Sinabi ni Paje na itinalaga siya ni Pangulong Aquino bilang opisyal na lalagda sa kasunduan para sa Pilipinas sa Abril 22 sa pagdiriwang ng mga bansa ng Earth Day.

Layunin ng Paris Agreement na maibaba ang greenhouse gas (GHG) emissions ng mundo matapos magbabala ang mga eksperto na nag-iipon at nagkukulong ito ng init sa atmospera, na nagdudulot ng global warming na nagpapalala sa climate change.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Sa Paris, nangako ang Pilipinas ng 70 porsiyentong pagbawas sa GHG emissions nito pagsapit ng 2030. (PNA)