Target ng Perpetual Help na matuldukan ang mahabang panahon nang pagiging ‘bridesmaid’ sa pagsabak muli sa 11th National Cheerleading Competition (NCC) college division ngayon, sa MOA Arena sa Pasay City.

Kumpiyansa ang Perps Squad na magiging mas inspirado sila sa laban dahil sa matagumpay na kampanya sa katatapos na NCAA cheerleading competition kung saan muli silang tinanghal na kampeon.

“That’s our dream, to win the NCC title again,” pahayag ni Perpetual coach at trainer Ruffa Rosario.

Sa nakalipas na 10 edisyon ng NCC, nagawang madomina ng Las Pinas-based cheer dancers ang torneo noong 2006 at 2009.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit, naging mailap ang tagumpay sa Perpetual Help sa nakalipas na mga taon kung saan nagkasya na lamang sila sa ikatlong puwesto at runner up sa huling dalawang edisyon ng torneo.

“We’ve trained real hard and we recruited gymnasts to boost our campaign,” sabi ni Rosario.

“In behalf of the whole Perpetual Help community, we wish our team luck and we’re proud of the team whatever happens,” pahayag ni Perpetual Help’s policy board member Anthony Tamayo. (Angie Oredo)