Nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang halos 3,000 cubic meter ng basura sa pagpapatuloy ng programang “Estero Blitz” ng ahensiya upang paghandaan ang tag-ulan.

Sa huling ulat na tinanggap ni MMDA Chairman Emerson Carlos mula kay Director Baltazar Melgar, hepe ng Flood and Sewerage Management Office (FSMO) ng ahensiya, umabot sa kabuuang 2,989 cubic meter, o katumbas ng 288 truckload ang kanilang nahakot sa limang pangunahing estero sa Maynila, kabilang ang North at South Antipolo Open Canal, Estero de Kabulusan, Estero de Magdalena, Estero de San Miguel, at Estero de Quiapo.

Marso 1 nang simulan ng MMDA ang Estero Blitz, na hindi lang sa paglilinis ng mga estero nakatutok kundi maging sa mga palengke, at sa pagsasagawa ng Lingap sa Barangay. (Bella Gamotea)

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands