Nakatakdang ipahayag ng Pilipinas at United States ang mahahalagang natamo ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagpupulong ng mga lider mula sa magkabilang bansa sa Washington, D.C. sa Marso 18 (Linggo sa Manila), para sa 6th U.S.-PH Bilateral Strategic Dialogue (BSD).

Ihahayag ng dalawang bansa ang mga latest development sa EDCA at kung paano nito susuportahan ang mga pagsisikap ng Amerika na makatulong sa pagsasamoderno ng Armed Forces of the Philippines (AFP), magdebelop ng kapasidad at kakayahan para sa maritime security at domain awareness, at magbigay ng rapid humanitarian assistance at disaster response.

Ang Philippine delegation ay pangungunahan nina Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Policy Evan Garcia at Department of National Defense (DND) Undersecretary for Legal and Strategic Concerns Pio Batino, habang ang U.S. delegation ay pamumunuan nina Assistant Secretary of State Daniel Russel at Assistant Secretary of Defense David Shear.

Sa pagpupulong, muling pagtitibayin ng mga opisyal ng dalawang bansa ang kanilang pangako sa kapayapaan, seguridad, at economic prosperity sa Asia Pacific region, nakasaad sa pahayag mula sa U.S. Department of State.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa ilalim ng EDCA, pahihintulutan ng Pilipinas ang mga tropa, eroplano at barko ng US na palakasin ang rotational presence sa mga base militar ng Pilipinas at magtatayo ang Washington ng mga pasilidad upang maimbakan ng kanilang mga panggatong at kagamitan.

Dinisenyo ang EDCA para isulong ng magkaalyadong bansa ang mga sumusunod: Interoperability, Capacity building tungo sa modernisasyon ng AFP, Pagpapalakas sa AFP para sa external defense, Maritime Security, Maritime Domain Awareness, Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR).

Nilagdaan ang kasunduan noong Abril 2014 nina Defense Secretary Voltaire T. Gazmin at U.S. Ambassador Philip Goldberg. (Elena L. Aben)