Muling nakakuha ng pagkakataon si Pinoy Richie “Magnum” Mepranum ng Sarangani Province para sa sa world title sa pagharap kay undefeated Mexican Carlos “Principe” Cuadras para sa World Boxing Council (WBC) world super flyweight crown sa Abril 23 sa Los Mochis, Sinaloa, Mexico.

“This is another good chance for Richie to win a world title,” sambit ni boxing matchmaker Ronald Jerez.

Tangan ang 31-4, kabilang ang walong KO, galing si Mepranum sa matikas na technical knockout win kontra Marjhun Tabamo para sa bakanteng World Boxing Union (WBU) super flyweight title noong November 14 sa Maasim gym sa Sarangani Province.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Galing din si Cuadras (34-0-1, 26 TKO) sa panalo nang madepensahan ang korona via unanimous decision kontra Japanese Koko Eto noong November 28 sa Xebio Arena sa Sendai, Miyagi, Japan.

Ito ang ikalimang pagdepensa ni Cuadras sa titulo na nakuha niya via technical decision kontra Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand noong Mayo 31 sa Mexico.