Tinanggihan ng Bangladesh Ambassador to the Philippines ang alok ng isang remittance company na ibalik ang P10 million mula sa mga kinita nito bilang paghingi ng paumanhin sa pagkaka-hack ng $81 million.

Inialok ito ni Salud Bautista, president ng PhilRem Service Corporation, sa isinagawang pitong oras na public hearing ng Senate Blue Ribbon committee sa isyu ng money laundering na kinasasangkutan ng Rizal Commercial Banking Corporation.

Matapos ang public hearing, pormal na inialok ni Bautista ang pagbabalik ng pera kay Retired Maj. Gen. John Gomes ngunit binigyang-diin ni Gomes na dahil ang pera ay ninakaw sa New York, mayroong international jurisdictions na sangkot.

Kayat, ayon kay Gomes, hindi niya maaaring tanggapin ang pera, sa katwirang isa lamang siyang ambassador at kailangan muna niyang mag-ulat sa kanilang gobyerno.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

BUTAS SA FINANCIAL SYSTEM

Ang pagtatago sa Pilipinas ng $81 million na ninakaw ng mga hacker mula sa isang account sa U.S. Federal Reserve ay nagdagdag ng pressure sa bansa na ayusin ang mga butas sa financial regime nito.

Binibigyang-diin din nito ang potensiyal na patibong sa anti-money laundering efforts ng mundo, na sa kaso ng Pilipinas ay mas nakatuon sa pagsupil sa pagpopondo sa mga terorista kaysa pagpigil sa maling paggamit sa financial system ng mga bangko at casino.

Ang pagkakabunyag ng pagnanakaw sa account ng Bangladesh central bank sa New York Fed, ay nagbigay ng panibagong simula sa mga ganitong isyu sa paglutang ng mga detalye kung paano napunta sa Pilipinas ang pera.

Ipinahihiwatig ng mga komento sa pagdinig ng Senado sa kaso na may alam na ang mga empleyado ng bangko sa anomalya ilang linggo bago ipahayag ng Bangladesh Bank ang tungkol sa pagnanakaw. (AP) (MARIO CASAYURAN)