TUNIS (AFP) – Sinentensiyahan ng Tunisian court ng sampung taong pagkakakulong ang napatalsik na presidente na si Zine El Abidine Ben Ali dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan, sinabi ng prosecution nitong Biyernes, sa bagong kasong kinahaharap niya.

Ang napatalsik na dating diktador ay nahatulang guilty nitong Huwebes sa “using his position to obtain unjustified advantages, causing harm to the administration” sa kasong kinasasangkutan ng isang advertising agency, ayon sa tagapagsalita na si Kamel Barbouche.

Nahatulan si Ben Ali sa iba’t ibang kaso sa nakalipas na limang taon, kabilang ang kurapsiyon.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'