Sugatang isinugod sa pagamutan ang 11 Lumad makaraan silang madaganan ng saku-sako ng kamote matapos bumaligtad ang sinasakyan nilang truck sa Talakag, Bukidnon, iniulat kahapon.

Ayon sa report ng Talakag Municipal Police, malubha ang walo sa mga nasugatan.

Nabatid na dahil masyadong malubak ang daan dahil sa naglalakihang bato, bukod pa sa makapal na alikabok, nawalan ng balanse at tumagilid ang Isuzu Elf truck na minamaneho ni Gabriel Alad-ad, sakay ang 14 na iba pa at saku-sako ng kamote.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Jundy Salu-an, Randy Salu-an, Jovelyn Salu-an, Pablina Aque, Jason Baguio, Jerry Bacla-e, Rica Ulam, Roldan Tu-ungan, Rita Dagahay, Perly Lunda-a, at ang buntis na si Grace Dagahay, pawang taga-Bukidnon. (Fer Taboy)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol