Rerepasuhin ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang posibleng fare adjustment sa mga transport network company (TNC) gaya ng Grab, Uber, at UHOP.

Inihayag ni LTFRB board member Atty. Ariel Inton kahapon na itinakda na nila ang pagdinig sa usapin sa Abril 6, sa ganap na 9:00 ng umaga, sa LTFRB Central Office sa Quezon City.

Sa pagkakataong ito, sinabi ni Inton na rerepasuhin nila ang base fare at fare charging na iniulat na tumataas ng hanggang 500 porsiyento sa peak hours upang maiwasan ang pananamantala ng mga operator o driver sa mga pasahero.

“Considering the fact that prices of petroleum products have gone down and is continuously going down, maybe the LTFRB can now exercise its ‘oversight powers to regulate its fares,’” sinabi ni Inton. (Czarina Nicole O. Ong)

Tsika at Intriga

Rufa Mae sa kaso niya: 'Biktima rin ako... Go, go, go, basta hinaharap!'