Idineklara ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Marso 23 (Miyerkules Santo) bilang non-working holiday sa Maynila, para makapaghanda ang mga mamamayan sa paggunita ng Semana Santa.

Batay sa memorandum na inisyu ni Estrada at ni City Administrator Ericson Alcovendaz, idineklarang walang pasok ang lahat ng empleyado ng gobyerno sa Maynila sa Miyerkules. Suspendido rin ang pasok sa mga paaralan.

Ipinauubaya naman ni Estrada sa mga pribadong kumpanya kung magsususpinde ng pasok ng kanilang mga manggagawa sa naturang araw. (Mary Ann Santiago)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador