NALULUNGKOT ang ibang talents na mina-manage ng isang talent agency, na tumagal na sa industriya ng halos 30 years, dahil pinapahanap na sila ng ibang magma-manage sa kanila.

Meaning, kailangan nila ng bagong managers na puwedeng tumulong sa kanila.

Hindi muna namin babanggitin kung anong talent agency ito dahil masyadong teknikal ang usapin at marami pang dapat ayusin sa legal na aspeto kaya hindi muna ito inihahayag sa publiko.

Mismanagement ang nangyari sa talent agency dahil na rin sa pagkukulang ng mga bagong empleyado na may kanya-kanyang problema sa bookings ng kanilang artists.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nalulungkot din ang founder ng talent agency dahil legacy niya itong maiiwan sana sa industriya, pero wala siyang magawa dahil hindi na naman niya hawak ang nasabing kumpanya.

As of this writing, hindi naman daw mawawala ang talent agency kundi lie low lang muna dahil marami pa silang artists na pawang money-maker kaya hindi puwedeng basta na lang sila mawala.

In fairness, kaliwa’t kanan ang raket ng mga artistang hawak ng talent agency kaya nahihirapan ang mga empleyado at pinayuhang humanap ng ibang magma-manage sa kanila para maasikaso sila nang maayos.

Hindi rin daw lugi ang talent agency, katunayan ay malaki raw ang pondo nila at sa katunayan ay kaya nilang magbayad ng separation pay sa napakami nilang empleyado na tumagal na nga ng halos 30 years.

Sana ay maayos pa ito dahil napakalaki na ng pangalan ng talent agency sa showbiz industry at higit sa lahat, saan na mapupunta ang malalaking artistang mina-manage nila? (Reggee Bonoan)