NGAYONG Linggo ay “Domingo de Ramos” o Palm Sunday. Ito ay simula ng Holy Week, sa Tagalog ay “Mahal na Araw”. Ito ay tinatawag na Mahal na Araw hindi dahil sa mahal ng mga bilihin kundi dahil sa pagliligtas sa atin ng Panginoon na hindi matutumbasan ng kahit anong halaga. Pinahirapan ang kaisa-isa Niyang anak at ipinako sa krus upang tayo ay tubusin.
Si Peter at kanyang mga disipulo na malapit sa Master’s company ay namahinga sa kanyang celebrity status sa kanyang pagpasok sa Jerusalem. Ngunit nasaan sila noong Good Friday nang siya ay hilahin mula sa isang korte patungo sa isa pa? Maliban kay John, inabandona ng mga duwag na disipulo ang kanilang Master.
Si Peter na ipinagsigawan sa Huling Hapunan na siya ay magiging tapat hanggang sa araw ng kanyang kamatayan, ay mas pipiliing magsinungaling sa isang babae masagip lamang ang kanyang balat.
Maraming tao ang kagaya ni Peter at mga apostol na tapat at nananalig nang buong-buo sa Diyos kapag walang problema sa buhay. Hindi ba’t may isang tao na nagbigay ng kahulugan sa salitang tagumpay?
“Success is relative. The more successful you are, the more relatives you have.”
Ngunit sa oras ng kabiguan o problemang pinansiyal, ang iyong “best friends” ay tila gusto kang iwan sa ere.
Kaya, may kasabihang, “Success has many fathers. Defeat is an orphan.” (Political candidates, take note!).
May isang kuwento tungkol sa isang butihing papa na ang puso ay mahina kaya’t kailangan niya ng heart transplant.
Ang malungkot na balita ay inanunsyo sa maraming tao na nagtipun-tipon sa St. Peter’s Square at ang apela na magboluntaryo sa paghahandog ng puso ay lumitaw.
At buong puso namang itinaas ng mga lalaki ang kanilang kamay bilang tugon.
At dahil nga maraming nagboluntaryo at isa lamang ang kailangan, inihayag ng cardinal-secretary na pipiliin ang nag-iisang tagapaghandog sa pamamagitan ng paghulog ng isang balahibo mula sa mataas na balkonahe at kung kanino man ito mahulog ay siya ang pipiliing donor. Inihulog na ang balahibo at dahan-dahan itong bumaba.
Ngunit nang ito ay napunta na sa ulo ng mga tao ay pinaghihipan nila ito, “phew, phew, phew,” kung kaya’t ang balahibo ay nahulog sa lapag. Wala ni isa sa kanila ang nais mabagsakan ng balahibo.
Ang istoryang ito ay naglalarawan kung gaano kadaling sabihin na tapat kang tao ngunit kapag may ilalaan nang sakripisyo ay umaatras na. (Fr. Bel San Luis, SVD)