Ipadadama ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang “Year of Mercy” sa mga bilanggo sa pagbubukas ng Holy Door of Mercy sa Manila City Jail Chapel sa Miyerkules, Marso 23.

Ang Holy Door ay isang entrance portal sa mga Papal Major basilica sa Rome, gayundin sa mga cathedral at mga simbahan sa iba’t ibang dako ng mundo.

Sa pamamagitan ng seremonya ay binubuksan ang mga ito tuwing taon ng Jubilee na itinatakda naman ng Santo Papa. Ang mga pilgrim na pumapasok sa mga banal na pintuan ay tatanggap ng pagpapatawad sa mga kasalanan, alinsunod sa selebrasyon ng Jubilee Year.

“We are doing this to let them to show that we are with them in this Year of Mercy and so that they also become instruments of compassion to others,” sinabi ni Fr. Bobby dela Cruz, ministro ng Restorative Justice Ministry ng Manila archdiocese sa panayam ng Radyo Veritas.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Maaaring tumanggap ang mga bilanggo ng kapatawaran ng kanilang kasalanan sa mga kaiplya ng mga bilangguan.

Ang Extraordinary Jubilee of Mercy na idineklara ni Pope Francis ay isang panahon ng biyaya, kapayapaan, pagbabalik-loob at kasiyahan, at gugunitain simula Disyembre 8, 2015 hanggang sa Nobyembre 20, 2016.

Magdaraos ng misa sa ganap na 9:00 ng umaga matapos buksan ang Holy Door, na pangungunahan ni Cardinal Tagle, kasama sina Papal Nuncio Archbishop Giuseppe Pinto, Rev. Fr. Anton Pascual, Rev. dela Cruz, at Rev. Fr. Jason Laguerta.

(Leslie Ann G. Aquino)