ZURICH (AP) — Sa unang araw ng kanyang panunungkulan bilang bagong halal na pangulo ng FIFA (Federation International Football Association), bumulaga kay Gianni Infantino ang suliranin sa organisasyon.

Gayundin, ang katotohahan na lugmok ang asosasyon dahil sa pagkalugi ng $122 million dulot ng kurapsiyon.

Napag-alaman din ng FIFA executive committee, sa isinagawang pagpupulong nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), na tumanggap ng $3.76 million ang dating pangulo na si Sepp Blatter mula sa mga kontrobersyal na kontrata.

Inamin ni Infantino na mahabang panahon ang kakailanganin para malinis ang organisasyon na nadungisan ng samu’t saring kontrobersya, higit ang pamosong ‘bribery’ para sa awarding ng World Cup hosting.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Gumugulong na ang imbestigasyon sa Court of Arbitration for Sport, gayundin sa Swiss Federal Bureau.

Nahaharap sa ‘lifetime banned’ si Blatter bunsod ng pagkakadawit nito sa talamak na lagayan para sa endorsement at hosting.

Sa kabila ng kasalukuyang problema, sinabi ni Infantino na may kabuuang kinita ang FIFA na $1.152 billion sa nakalipas na taon.