Nagamit ni Boots Ryan Cayubit ang mahabang panahong pag-eensayo sa ruta upang makamit ang gold medal sa men’s criterium ng 2016 World University Cycling Championships nitong Huwebes ng hapon sa Tagaytay City.

Pamilyar sa 24-anyos na si Cayubit ang palusong at matarik bahagi ng 1.8-kilometrong ruta para maisalba ang kampanya at makopo ang kampeonato. May kabuuang 47 rider ang sumagupa sa karera, ngunit apat lamang ang nakatapos.

Sa criterium kung saan binibigyan ng puntos ang mga unang tatawid sa intermediate sprints na kinabibilangan ng 5, 3, 2 at 1 puntos para sa unang apat na siklista, habang 10, 6, 4 at 2 puntos para sa final lap, at ang may pinakamaraming puntos ang siyang aakyat ng podium.

Maagang nagsalansan ng puntos si Cayubit matapos magsimulang magtipon nang kunin nito ang first sprint sa 12th lap ng 30-lap event, at sa 18th lap bago kumapit hanggang huli para makamit ang gold medal.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nasa ikalawang taon ng kursong Business Administration sa St. Clare College sa Kalookan City, tumapos ding pangalawa sa 24th lap ngunit, naungusan siya ni German Alexander Weifenbach sa huling dalawang sprint bunsod ng pamumulikat.

Sa kabila nito, naungusan ni Cayubit ng isang puntos ang karibal tangan ang kabuuang 19 na puntos.

“Kinabahan ako [sa resulta ],” anang continental team Seven Eleven Sava RBP rider na si Cayubit, kabilang din sa koponan na nagwagi ng bronze medal noong nakaraang Myanmar SEA Games kasama sina Ronald Oranza, Marc Galedo, Rey Navarra at Rustom Lim.

Pumangatlo si Australian Cyrus Monk na may 11 puntos at pumang-apat si Andre Crispim ng Portugal na may walong puntos.

“Talagang nasa plano ko yung magpondo ng points at dumepensa na lang sa last lap,” pahayag ni Cayubit.

Nagwagi naman sa kababaihan ang German na si Romy Kasper na may natipong 23 puntos sa 20 laps na sinundan ni Nikol Plosai (16) at Monika Brzezna (11) kapwa mula sa Poland. (MARIVIC AWITAN)