ZAMBOANGA CITY - Tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang naaresto nitong Huwebes sa Barangay Bangkal sa Patikul, Sulu.

Sa military report sa siyudad na ito, kinilala ang mga nadakip na sina Jemar Asgari, 22, may asawa; Alden Asmad, 29, may asawa, kapwa ng Bgy. Darayan, Patikul; at Dems Abtal, 28, may asawa, ng Bgy. Lower Sinumaan, Talipao, Sulu.

Ayon sa militar, ang mga naaresto ay pawang pangunahing suspek sa pagpatay kina Cpl Lamustre at Cpl Apiado, kapwa operatiba ng intelligence section ng 10th Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Sulu.

Batay sa report, binaril ng mga suspek sina Lamustre at Apiado sa Sitio Tibongbong sa Bgy. Igasan, Patikul, dakong 8:00 ng umaga nitong Martes.

National

De Lima sa paghatol kina Castro: 'This should never happen in a democratic society'

Kumikilos sa ilalim ng sub-leader ng Abu Sayyaf na si Morasil Mudjahirin, suspek din ang tatlo sa pagpatay kamakailan sa isang pulis malapit sa Jolo Airport. (Nonoy E. Lacson)