Mahigit 2,000 traffic enforcer ang hindi pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mag-day off o mag-leave of absence sa susunod na linggo upang tiyaking traffic-free ang paggunita sa Kuwaresma.
Sa pulong balitaan nitong Miyerkules, sinabi ni Crisanto Saruca, pinuno ng Traffic Discipline Office ng MMDA, na may kabuuang 2,363 traffic enforcer ang ipakakalat ng ahensiya ngayong Semana Santa upang magmando ng trapiko sa EDSA at sa iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila, na malapit sa mga bus terminal, pantalan at paliparan.
Simula sa Miyerkules Santo (Marso 23) ay sinuspinde ng MMDA ang number coding para sa mga pribadong sasakyan, upang magamit ng mga motorista sa bakasyon patungo sa mga probinsiya. (Bella Gamotea)