Sunshine copy

BACK to school si Sunshine Cruz, nag-enroll siya ng AB-Psychology sa Arellano University at excited na ipinost sa Instagram (IG) ang module for her English subject. Ang caption ni Sunshine, “Because its never too late to go back to school.”

May grammar police sa IG ni Sunshine at ikinorek siya na dapat ay “it’s” at hindi “its” ang ginamit niya sa kanyang post at humirit pa na kailangan na ngang bumalik sa school ang aktres. Ang sagot ni Sunshine sa grammar police ay, “Eh di ikaw na...”

Anyway, napansin ng followers ni Sunshine na “Montano” pa rin ang ginagamit niyang apelyido, at nakasulat ito sa isang envelope. Ang sagot ng aktres, “Hindi pa kasi annulled ang marriage.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

May nagtanong pa kung kailan maga-grant ang annulment nila ng ex-husband niyang si Cesar Montano? Awkward daw na Montano pa rin ang surname niya.

“How I wish masagot kita kung kelan maga-grant ang annulment ko. Let’s hope for the best dahil ‘yan ang matagal ko nang wish. If it’s awkward for you, paano na lang sa ‘kin? Lol!”

Maganda ang ginawa ni Sunshine na ibalita sa social media ang desisyong bumalik sa eskuwelahan at tapusin ang pag-aaral. May followers siyang na-encourage na ipagpatuloy din ang kanilang studies. (NITZ MIRALLES)