Aasahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang lugar ng Quezon City dahil sa mga gagawing reblocking at pagkukumpuni ng mga kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula ngayong araw.
Isasagawa ng DPWH-National Capital Region (DPWH-NCR) ang reblocking at pagsasaayos ng mga kalsada simula 10:00 ng gabi ng Marso 18 (Biyernes) hanggang 5:00 ng umaga ng Marso 21 (Lunes).
Ilan sa mga lugar na maapektuhan ang Commonwealth Avenue mula Don Antonio Drive hanggang sa Zuzuaregui Street (southbound), C.P. Garcia Street mula E. Roces Avenue hanggang F. Florentino (3rd lane mula sa sidewalk, ng southbound), at EDSA mula Mother Ignacia Street hanggang Scout Borromeo Street (unang lane mula sidewalk, ng southbound). (Mina Navarro)