SHANGHAI (Reuters) – Nagdaos ang isang Chinese court ng outdoor trial para sa walong migrant worker na nagpoprotesta laban sa mga hindi nabayarang suweldo “[to] educate the public in law”, sinabi ng Beijing News ng estado nitong Biyernes.

Paminsan-minsan ay nagdaraos ang mga korte sa China ng publikong paglilitis sa mga kasong kriminal gaya ng drug dealing at robbery, ngunit madalang ang para sa labor offences.

Kinasuhan ang mga manggagawa ng panghaharang sa mga pulis sa protesta ng mga ito noong nakaraang taon dahil sa hindi nabayarang suweldo ng kanilang employer.

Isinagawa ang paglilitis nitong Miyerkules sa Langzhong sa timog kanluran ng Sichuan province.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture