Mga laro bukas

(Philsports Arena)

8 n.u. -- AdU vs DLSU (M)

10 n.u. -- UST vs Ateneo (M)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

2 n.h. -- NU vs FEU (W)

4 n.h. -- UST vs Ateneo (W)

Lumabas ang pagiging bagito ng mga manlalaro ng University of the Philippines nang tapusin ng De La Salle University ang kanilang four-game winning run sa pamamagitan ng 18-25, 25-12, 25-18, 25-21, desisyon nitong Miyerkules sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament, sa San Juan Arena.

Nagposte sina Kim Dy at Mika Reyes ng tig-14 puntos habang nag-ambag ang dating league MVP na si Ara Galang ng 12 puntos para pangunahan ang pag-angat ng Lady Spikers sa barahang 8-2 na nagtabla sa kanila sa liderato kasalo ng defending champion Ateneo.

Bukod dito, lumakas din ang kanilang tsansa para sa top two spots na may kaakibat na bentaheng twice-to-beat papasok ng Final Four round.

“Malaking factor yung pagiging bata ng team. Although nandoon yung talent, pero pagdating ng crucial, kakalas,” ani De La Salle coach Ramil de Jesus patungkol sa Lady Maroons. “Kung mao-overcome nila yun, mahirap silang talunin (UP).”

Dahil sa kanilang pagkabigo, bumaba ang Lady Maroons sa barahang 6-4. (Marivic Awitan)