RONNIE copy

BABALIKAN ni Ronnie Alonte ang kanyang mga pinagdaanan bago siya maging miyembro ng boy group na Hashtags sa It’s Showtime sa kanyang pagganap sa sariling kuwento ng buhay niya sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Marso 19).

Nagmula sa mayamang pamilya sa Laguna si Ronnie. Ngunit dahil sa pagkabulag ng isang mata ng kanyang ama (gagampanan ni Nonie Buencamino) sa isang aksidente, tumigil na ito sa pagtatrabaho na naging dahilan kaya dumanas ng hirap ang kanyang pamilya.

Hindi nagtagal ay naging pabaya sa pag-aaral si Ronnie nang lumipat siya ng eskuwelahan at mas pinili na lang na maglaro ng basketball. Nang bumagsak sa eskuwela, sinimulan niyang sisihin ang kanyang mga magulang sa lahat ng mga pagbabago sa kanilang pamilya.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ngunit binigyan ng pangalawang pagkakataon si Ronnie nang mabigyan siya ng 100% varsity scholarship sa isang eskuwelahan para maglaro ng basketball. Hindi lamang siya magaling kundi naging star player pa ng kanilang varsity team.

Bago pa man naka-graduate, nagwagi siya sa school pageant, saka sumabak sa pagko-commercial sa TV, hanggang sa madiskubre siya ng ABS-CBN.

Makakasama ni Ronnie sa upcoming episode ng MMK sina Ara Mina, Angelo Ilagan, Ysabel Ortega, CJ Navato, at Joshua Dionisio, mula sa panulat ni Jimuel dela Cruz at sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.