Iniugnay ang sakit sa gilagid sa posibilidad na magkaroon ng Alzheimer’s disease, base sa naging resulta ng isang pananaliksik.

Pinagbasehan ng pag-aaral, inilathala sa PLOS ONE, ang 59 na katao na pinaniniwalaang nagtataglay ng mild to moderate dementia.

Ayon sa Alzheimer’s Society, kung talagang may ugnayan ang mga nasabing sakit, nangangahulugan ito na ang magandang oral health ay makakapagpababa ng posibilidad na magkaroon ng dementia.

Sinabi ng dentistang si Dr. Mark Ide ng King’s College London sa BBC News na siya ay “surprised”.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“In just six months you could see the patients going downhill - it’s really quite scary,” aniya.

Ayon kay professor Clive Holmes, senior author mula sa University of Southampton, ang resulta ay “very interesting” at nagpapatunay na ang nasabing pag-aaral ay kinakailangang ulitin ngunit dapat ay may mas marami ang partisipante.

“However, if there is a direct relationship between periodontitis and cognitive decline, as this current study suggests, then treatment of gum disease might be a possible treatment option for Alzheimer’s,” aniya.

Sinabi rin ni Dr Doug Brown, director of research and development at the Alzheimer’s Society, na ang pag-aaral, “adds evidence to the idea that gum disease could potentially be a contributing factor to Alzheimer’s”.

“If this is proven to be the case, better dental hygiene would offer a relatively straightforward way to help slow the progression of dementia and enable people to remain independent for longer,” ani Dr. Brown.

Ngunit inilarawan din niya ang pag-aaral bilang “small” at sinabing ito ay kasalukuyang “unclear” kung ang gum disease nga ba ay dahilan o resulta ng Alzheimer’s disease.

“We don’t know if the gum disease is triggering the faster decline of dementia, or vice versa,” aniya.

Sa UK, umaabot sa 80% na nasa edad 55 ang may gum disease, ayon sa adult dental survey noong 2009.

Napag-alaman na kalahating milyon ng mga tao sa UK ang dumaranas ng Alzheimer’s disease. (BBC News)