GENEVA (AP) – Inamin ng pamunuan ng FIFA (International Football Federation) nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) na nagkaroon ng malawakang lagayan para maibigay ang hosting sa mga nakalipas na World Cup.

Kasabay nito, hiniling nila sa US prosecutor na ibalik ang milyong halaga sa FIFA mula sa mga nakuhang ebidensiya sangkot na dating opisyal ng fedeferation.

Sa isinumiteng 22-pahina na kasulatan ng FIFA sa US Attorney’s Office sa New York, iginiit ng football body na may karapatan sila na mabawi ang $190 milyon na nakuha ng awtoridad sa mga opisyal dahil ang pondo ay bahagi ng budget sa ‘broadcast right’ ng World Cup.

Mahigit isang dosenang indibidwal, kabilang ang ilang dating opisyal ng FIFA ang dinakip bunsod ng pagkakasangkot nila sa ‘bribery scandal’ sa hosting ng World Cup.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ayon sa FIFA, mismong ang asosasyon ay naging biktima ng mga buhong na opisyal dahil ginamit nila ang hosting para magkamal ng pera para sa pansariling kapakanan. Batay sa ulat, talamak ang lagayan sa FIFA na nag-ugat pa umano sa liderato ni Joao Havelange hanggang kay Sepp Blatter.

“The convicted defendants abused the positions of trust they held at Fifa and other international football organizations and caused serious and lasting damage to Fifa,” pahayag ni Gianni Infantino, bagong halal na Fifa president.

“The monies they pocketed belonged to global football and were meant for the development and promotion of the game. Fifa as the world governing body of football wants that money back and we are determined to get it no matter how long it takes,” aniya.

Sa dokumentong nakalap ng Associated Press, hiniling ng FIFA ang mga sumusunod:

(1)Pagbawi sa $28.2 milyon bilang kabayaran sa ginastos ng FIFA bilang bonus, plane tiket at allowances sa mga sangkot na opisyal.

(2)Karapatan sa $10 milyon na bahagi ng pondong nailipat ng sangkot na opisyal bilang lagay para maibigay ang hosting sa South Africa para sa 2010 World Cup hosting.

“Fifa has become notable for the defendants’ bribery and corruption, not its many good works,” pahayag ng legal counsel ng FIFA

“FIFA is entitled to restitution for this harm to its business relationships, reputation and intangible property,” aniya.