e-cigs-stopsmoking-1new copy

ANG mga taong nais huminto sa paninigarilyo ay maaaring magtagumpay kung sasailalim sa “cold turkey”, batay sa isang pag-aaral sa Annals of Internal Medicine.

Ang mga volunteer na gumagamit ng nasabing approach ay napangangatawanan ang pag-iwas sa paninigarilyo sa loob ng kalahating taon simula nang huminto sa bisyo kumpara sa mga smoker na inuunti-unti lamang ang pagtigil. Ayon sa NHS, ang pagpili ng araw kung kailan ka hihinto ay napakahalaga.

Anila, gumawa ng pangako, magtakda ng araw at pangatawanan ito.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Whenever you find yourself in difficulty say to yourself, ‘I will not have even a single drag’ and stick with this until the cravings pass,” ayon sa NHS.

Inirerekomenda rin na kumonsulta sa GP upang makatanggap ng professional support at advice sa paghinto sa paninigarilyo.

Sa British Heart Foundation-funded study, halos 700 UK volunteer ang naitalaga sa iba’t ibang grupo - isang gradual quit group o immediate quit group.

Ang lahat ng partisipante ay binigyan ng advice at suporta at kung anu-ano ang mga bagay na maaaring ipalit sa paninigarilyo bilang therapy, gaya ng nicotine gum o mouth spray — ang mga serbisyo na available sa NHS at ito ay libre.

Makalipas ang anim na buwan, 15.5 ng mga kalahok sa gradual-cessation group ay nakapgpipigil kumpara sa 22% sa abrupt-cessation group.

Ayon sa lead researcher na si Dr. Nicola Lindson-Hawley, mula Oxford University, “The difference in quit attempts seemed to arise because people struggled to cut down. It provided them with an extra thing to do, which may have put them off quitting altogether.”

Bagamat mas maraming ang nagsabi na mas gusto nilang huminto ng paunti-unti kumpara sa biglaan, mas maraming indibidwal ang huminto nang tuluyan sa grupo na biglaan ang pagtigil sa paninigarilyo.

Ayon kay Dr. Lindson-Hawley, mas mabuti pa ring unti-unting magbawas sa paninigarilyo kaysa hindi gumagawa ng paraan. (BBC News)