Ikinatuwa ng Commission on Elections (Comelec) ang kautusan ng Korte Suprema na magdaos ng oral argument hinggil sa pag-iimprenta ng voter’s receipt para sa eleksiyon sa Mayo 9.

Nagpaabot ng pasasalamat sa mga mahistrado ng Korte Suprema si Comelec Chairman Andres Bautista dahil nabigyan ng pagkakataon ang poll body na maipaliwanag ang practical, operational at technical issues na nakapaloob sa pag-iimprenta ng resibo.

Ayon pa kay Bautista, magandang pagkakataon din ang oral argument para maipakita sa mga mahistrado kung paano umaandar ang mga vote counting machine (VCM).

Plano ng Comelec na ipakita sa Korte Suprema kung ano ang epekto ng pag-iimprenta ng resibo sa paghahanda ng komisyon para sa sa eleksiyon, sa kanilang timetable at sa mismong araw ng botohan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, umaasa ang Comelec na sa pamamagitan ng oral argument ay mabibigyan ng linaw ang kahulugan ng Voter’s Verified Paper Audit Trail (VVPAT), dahil sa kanilang pagkakaunawa, batay sa desisyon ng Korte Suprema sa Roque et al, ang VVPAT ay mismong ang balota na.

Ito ay sa kabila ng una nang desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Bagumbayan VNP Movement, na nagsabing ang balota ay hindi maituturing na VVPAT dahil may pagkakataon na iba ang interpretasyon ng makina sa balota.

(Mary Ann Santiago)