Sa inaasahang pagsisimula ng pag-uuwian sa probinsiya para sa Semana Santa ngayong weekend, inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapanatili sa malakas na police visibility sa iba’t ibang terminal ng bus, daungan at paliparan sa buong bansa upang matiyak na walang mangyayaring aberya sa taunang okasyon.

Ito ang binigyang diin ni PNP Director General Ricardo Marquez sa briefing nitong Lunes, idinagdag na mayroon na silang “template” para sa mga ganitong okasyon.

Ang Linggo ng Palaspas ngayong taon ay pumatak sa Marso 20 habang ang Huwebes Santo ay sa Marso 24 at ang Biyernes Santo ay sa Marso 25. Ang Linggo ng Pagkabuhay ay sa Marso 27.

Nakaugalian na sa pribado at publikong opisina na simulan ang bakasyon sa Kuwaresma sa Huwebes Santo hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Sinabi ni Marquez na layunin ng ang deployment na matiyak na ligtas ang “areas of convergence” sa mga posibleng pag-atake. Kaugnay nito, sinabi ni Marquez na ang presensiya ng mga pulis sa mga nabanggit na lugar ay magpapatuloy hanggang sa ligtas na makabalik sa kanilang mga tahanan ang lahat ng mga bumiyahe sa Semana Santa. (PNA)