Napili si Randy Petalcorin na pagkalooban ng ‘Boxer of the Year Award’ sa gaganaping 16th Gabriel “Flash” Elorde Boxing Awards “Banquet of Champions” sa Marso 29, sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Hawak ni Petalcorin, nasa pangangasiwa ng Sanman Gym of Gen. Santos City, ang WBA world interim light flyweight championship. Sa kanyang huling laban noong Abril 24, 2015, pinabagsak ni Petalcorin si Ma Yi Ming ng China sa unang round sa harap ng mga kababayan nito sa Beijing.

Sa kabila nito, hindi pa uli lumalaban ang 25-anyos na si Petalcorin (23-1-1,18KO’s).

Ayon kay Sanman Promotions CEO Jim Claude Manangquil, inaayos na niy ang posibilidad para sa isa pang title fight s Abril.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Sanman Promotions is grateful to have Randy Petalcorin being awarded as Boxer of the Year. Randy Petalcorin is just starting and he will have a busy 2016,” sambit ni Manangquil.

“I’m happy to get this award and I’m looking forward to get more world titles in the future,” pahayag ni Petalcorin sa mensaheng ipinadala sa Elorde management.

Kasama niyang tatanggap ng ‘Boxer of the Year’ si Rey Loreto (21-13, 13KO’s), ang IBO world light flyweight champion mula sa Brico Santig Stable.